Month: Setyembre 2019

Ipagkatiwala sa Dios

Noong kabataan pa ako, kapag may mga mahahalaga akong desisyon na kailangang gawin o problema na dapat harapin, isinusulat ko iyon sa isang papel. Itinuro ito sa akin ng aking ina noon. Isinusulat ko sa papel ang mga hakbang na maaari kong gawin at ang mga magiging resulta ng mga iyon. Matapos kong maisulat ang lahat ng saloobin ko, mas nakakapag-isip…

Paraiso

Habang nakadungaw sa bintana, nakikita ko ang pagsabay ng mga puno sa ihip ng hangin, ang masaganang bukid ng aking kapitbahay at ang maaliwalas na langit. Naririnig ko rin ang masayang paghuni ng mga ibon.

Nasisiyahan ako dahil parang nasa paraiso ako noong mga panahong iyon. Nasira lang dahil sa walang tigil na ingay ng mga sasakyan at dinagdagan pa ng…

Dumulog

Minsan, naglalakad ang grupo namin sa tabing-ilog. Nagtanong ang kasama naming bata na si Allan kung may ahas ba roon. Sinabi ko sa kanya, “Wala pa kaming nakikitang ahas dito noon. Pero baka makakakita tayo ngayon kaya hilingin natin sa Dios na ingatan tayo.” Nanalangin kami at pagkatapos ay nagpatuloy na sa paglalakad.

Ilang minuto lang, biglang napaatras ang asawa ko.…

Tunay na Pagsamba

Dahil sakitin na ako, nagsusulat na lamang ako ng mga babasahin bilang paraan ko ng paglilingkod at pagsamba sa Dios. Minsan, may nagsabi sa akin na wala siyang natutunan sa mga isinulat ko. Pinanghinaan ako ng loob sa sinabi niya. Naisip ko tuloy na parang walang halaga ang munting pagsusulat na ginagawa ko para sa Dios.

Sa tulong ng pananalangin, pag-aaral…

Hindi Ka Nag-Iisa

Sumali ang asawa ko sa paligsahan ng pagtakbo. Iyon ang unang pagkakataon niyang sumali. Nang malapit na niyang marating ang hangganan, nanghina siya. Uminom siya ng tubig at umupo muna sa damuhan para magpahinga. Ilang sandali lang ay hindi na siya makatayo. Susuko na sana siya sa pagtakbo nang may dumaang dalawang guro na kasali rin sa paligsahan. Hindi sila kilala…